De Lima hiniling na tumestigo ngayon vs Corona

SA HALIP na tumestigo sa Miyerkules (Pebrero 22), kaagad ipinatawag ng House Prosecution panel si Justice Secretary Leila de Lima upang tumestigo sa paglilitis kay Chief Justice Renato Corona hinggil sa ipinalabas na watch list order at temporary restraining order.

Ayon kay Iloilo Rep. Niel Tupas, kailangan nang tumestigo si De Lima sa impeachment court upang mapabilis ang paglilitis at presentasyon ng ebidensiya.

Nakatakda sanang humarap sa impeachment court si De Lima sa Miyerkules alinsunod sa naunang mosyon ng prosecution panel, ngunit inilipat ito ngayon base sa dalawang pahinang mosyon na inihain nitong umaga ng Lunes.

“For a speedier presentation of evidence, we respectfully manifest to the Honorable Court that instead of February 22, 2011, Secretary Leila de Lima be requested to testify and to bring documents on February 20, 2012, pursuant to the subpoena ad testificandum et duces tecum to be issued by the Court,” pahayag ni Iloilo Rep. Niel Tupas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply