De Lima, Lacson first time nagkaharap

SA unang pagkakataon ay nagkaharap na rin sina Justice Secretary Leila de lima at Senator-judge Panfilo Lacson sa ika-23 araw ng impeachment trial kay Supreme Court Justice Renato Corona.

Naging mabusisi ang pagtatanong ni Lacson kay de Lima kaugnay sa pagtestigo nito sa sinasabing iregularidad na pagpapalabas ng TRO sa dating Pangulong Arroyo at dating First Gentleman Mike Arroyo.

Ayon kay Lacson, maituturing na ‘hearsay’ ang lahat ng mga salaysay o testimonya ni de Lima dahil wala itong aktuwal o personal na kaalaman sa issuance ng TRO ng mag-asawang Arroyo dahil ibinase lang niya ito sa dissenting opinyon ni justice Ma. Lourdes Sereno.

Kaugnay nito, tinanong din ng senador ang kalihim kung kailan nito nalaman na may TRO ang Korte Suprema kina Arroyo.

Ani de Lima, narinig lang nito kay Midaz Marquez, tagapagsalita ng Korte Suprema nang basahin nito ang TRO.

Ayon pa kay De Lima,  natanggap niya ang kopya noong November 18 bago ang plano ni dating Pangulong  Arroyo na lumabas ng bansa noong November 15.

Pero nagawa ng kalihim na mapigilan o maharang ang TRO matapos malaman kay Marquez ang planong pag-alis ng mga Arroyo.

Pero, giit ni Lacson, dahil walang batas, hindi nila maaaring ipatupad ang circular 41.

Ayon naman kay de Lima, may police power pa rin sila na magpatupad ng regulasyon para mapadali ang trabaho, at ang pag-iisyu ng TRO na matagal nang ipinatutupad.

Giit ni Lacson walang batas para rito tulad ng circular no. 41.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply