CJ Corona didikdikin ni Leila de Lima

TETESTIGO na si Justice Secretary Leila de Lima laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona kasunod nang pagpapatawag sa kalihim ng Senate impeachment court.

Sa natanggap na subpoena ni de Lima ngayong araw ay pinahaharap siya sa pagdinig sa Pebrero 22.

Kaugnay nito ay tiniyak ni De Lima ang kanyang pagdalo sa gaganaping proceedings.

Batay naman sa nakasaad sa subpoena, sampung mahahalagang dokumento ang kailnagang dalhin ng kalihim na pinaniniwalaang maaaring magamit laban sa Punong Mahistrado.

Kabilang sa mga ebidensiya ay ang record ng Bureau of Immigration sa entry and exit ni CJ Corona sa Pilipinas mula October hanggang November 2011; ang kopya ng petition for special civil actions for certiorari and prohibition with prayer for the issuance of a temporary restraining order and/or writ of preliminary injunction at annexes na isinampa ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Maging ang surveillance camera footage ng Department of Justice sa Padre Faura mula alas-4 hanggang alas-8 ng gabi noong November 15, 2011; ang record ng BI sa nabigong pag-alis ng bansa ng mag-asawang Arroyo noong November 15, 2011.

Ang warrant of arrests na inisyu ng Pasay City Regional Trial Court Branch 112 laban kay dating pangulong Arroyo.

Kasama rin ang special power of attorney na may petsang November 18, 2011  na nilagdaan ng mag-asawang Arroyo para sa kanilang abogado na si Atty Ferdinand Topacio.

Ang special power of attorney noong November 15, 2011 na nilagdaan ni dating pangulong Arroyo para naman sa isa pang counsel na si Atty.  Anacleto Diaz.

Ang special powers of attorney na nilagdaan ni dating Pangulong Arroyo noong November 15, 2011 para pa rin kay Atty. Topacio.

At ang manifestation or motion on the compliance para sa November 15 TRO na inisyu  naman ng Supreme Court na nagtatanggal sa mag-asawang Arroyo sa watch list ng gobyerno.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply