Patay sa LPA sa VisMin umakyat na sa apat

UMAKYAT na sa apat ang nakukumpirmang namatay sa pananalasa ng low pressure area sa Mindanao.

Umaabot naman sa 4,000 katao ang naapektuhan sa walang humpay na pag-ulan at 70 barangay mula sa apat na lalawigan sa Regions VIII, X, at XIII mula sa Visayas at Mindanao ang halos lumubog sa baha.

Sa pagtatala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 731 pamilya ang apektado ng LPA, 571 pamilya rito ay lumikas sa evacuation centers.

Sa pinakahuling ulat ay papalayo na sa bansa ang LPA na nagdulot ng ilang araw na pag-ulan sa Visayas at Mindanao.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply