Delivery boy nagbigti sa loob ng container van

NATAGPUAN ang isang 17-anyos na binatilyo na nakabigti sa loob ng isang container van sa Pier 2, North Harbor, Tondo, Maynila, iniulat ngayon.

Wala nang buhay nang matagpuan ang biktimang si Danilo Aballa at nakatira sa isang barong-barong sa loob ng container yard ng  nabanggit na daungan.

Sa report ni PO3 Mario Asilo, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, nadiskubre ang pagkamatay ng biktima ng kanyang kaibigan na si Wilfredo dea Cruz, 17, dakong alas-2:00 ng hapon

Ayon kay Dela Cruz, hinanap niya ang biktima upang sila ay mag-umpisa nang magtrabaho matapos ang kanilang break time. Laking gulat na lamang ni Dela Cruz nang matagpuan niya ang biktima na nakalambitin sa loob ng container van gamit ang isang lubid na nakapulopot sa leeg nito.

Huling nakitang buhay ni Dela Cruz ang kaibigan ganap na ala-1:00 ng hapon na umiiyak ngunit hindi naman nabanggit ang dahilan ng kanyang pagtangis.

Tumanggi naman ang mga kamag-anak ng biktima na paimbestigahan ang pagkamatay ni Aballa sa paniniwalang walang naganap na foul play ang pagkamatay nito.

Dinala ang bangkay ng biktima sa Cruz Funeral Homes para sa awtopsiya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply