Delivery ng inuming tubig sa VisMin iniutos

INATASAN na ni Interior and Local Government Secretary Jesse M. Robredo ang Bureau of Fire Protection officials na pakilusin ang mga tauhan nito sa Western Visayas na magdala ng inuming tubig relief goods at tulong rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ng lindol noong Lunes.

Ito ay sa gitna ng mga nakuhang impormasyon na kinakapos na ng inuming tubig ang mga nasalantang residente sa lungsod ng Guihulngan at Bacolod dahil halos putik na ang lumalabas sa dati nilang pinagkukunan na water springs dulot ng paglindol.

Personal na sinamahan ni Robredo si Pangulong Benigno Aquino III sa Negros Oriental upang alamin ang sitwasyon at makapagbigay ng tulong sa mga biktima na karamihan ay biktima ng landslides.

Inatasan din ni Robredo si BFP chief Samuel Perez na magpadala ng 10 fire trucks na mailinis na tubig sa matinding sinalantang lugar ng Guihulngan at inatasan ang BFP chiefs ng Escalante City, Cadiz City, Bacolod, na may tig-dalawang fire trucks na tumulong sa operasyon.

Intasan din ni Robredo ang Regional BFP officers ng Region 6 at 7 na makipagtulungan sa iba’t ibang local Disaster Risk Reduction and Management Councils para mapagaan ang kanilang operasyon.

Kaugnay nito, iniutos ni Perez sa ng kanyang mga tauhan sa Regions 6 at 7 na makipagtulungan sa local fire volunteers sa Negros Oriental gaya ng  Amity at Chinese volunteers at tumulong sa local government units na may kaugnayan sa mga nilindol sa lugar.

Mas matinding sinalanta ng lindol ang lungsod ng Guihulngan dahil wala na silang mapagkukunan ng malinis na tubig at wala rin silang power supply sa ngayon na mas kinakailangan na tulong ng mga residente roon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply