Demolition job sa prosekusyon minaliit

TINAWANAN lamang ni House Majority Floorleader Neptali “Boyet” Gonzales II ang text messages na kumalat na siya ay nagmamay-ari ng mansion sa Wack Wack Mandaluyong City na nagkakahalaga ng P300 milyon.

Sa panayam ngayon kay Gonzales, sinabi niyang hindi siya nagulat sa pagkalat ng text na ito dahil noon pang nakaraang linggo ay tumanggap na sila ng babala na may 20 kongresista kabilang na ang 11 prosecutors ang isasailalim sa “demolition job.”

Paliwanag ito ng kongresista matapos kumalat ang text message na nagsasabing “Wack-Wack mansion of Boyet (Gonzales) P300 million.”

Aniya, nagkaroon man siya ng bahay sa Wack-Wack ay dahil nangutang siya ng P19 milyon sa Bank of Philippine Islands (BPI) noong 2001 para mabili ang 580-square meters property sa halagang P25 milyon at hindi P300 milyon.

“May nagsabi sa amin na inipon ang SALN ng may 20 kongresista.
Iyong laging nakikita dito sa Senado,” ayon kay Gonzales kabilang mga prosecutors at spokeperson.

Bukod kay Gonzales, nabanggit din diumano na ilalantad na rin ang SALN o ari-arian nina House Speaker Feliciano Belmonte at An Waray Party-list Rep. Florencio “Bem” Noel.

Hinamon pa ni Gonzales ang mga nag-aakusa mula sa kampo ni Chief Justice Renato Corona na maghain ng kaukulang kaso sa tamang korte.

Subalit binabalaan din ng kongresista ang mga abogado ng depensa na kung totoong pro-bono o libre ang kaniyang serbisyo para sa punong mahistrado ay maaari pa rin itong ikonsidera na pagtanggap ng regalo na labag sa graft and corrupt practices act.

“Si Chief Justice Corona ay tumanggap ng pro-bono, kung pro-bono ay gift iyan na taliwas sa corrupt and practices act. Kung ginagawa sa amin iyan na nagiging P300 milyon dapat sila (depensa) na rin sana ay magtapat,” ani Gonzales.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply