Dennis Trillo inaming good quality ni Bianca King ay ‘di mahilig sa intriga!

SA PANANALITA ni Glaiza de Castro, nasabi niyang mas gusto niyang maging leading man ay actor na nakikipag-close sa kanyang leading lady. Para raw sa ganon ay may rapport agad silang dalawa. Hindi sila nagkakailangan.

Siyempre, actress siya at gusto niya kapag may ka-love scene siya ay ma-feel niya ng totoo ang mga eksena nilang ginagawa kahit sabihin pang nasa script lang lahat ito.

Sa Biritera, wala siyang problema pa sa ngayon sa mga eksena ng soap. Tingin niya’y napaka-light ng mga eksena niya rito, hindi nila kailangan ni Dennis Trillo ng malalimang rapport. Kakilala na niya si Dennis nang lumabas siya sa soap na Gagambino bilang isang super hero kung saan si Dennis ang nasa title role.

Nagustuhan niya ang Biritera dahil tungkol ito sa music. Madali siyang maka-relate sa kanyang character kaya ganun siya kainteresado sa soap. Talagang kina-career niya ang role na drummer dahil sa mahilig siyang tumugtog ng instrument.

000

PROUD si Dennis Trillo na mapalapit siya at naging close ang isang Bianca King. Tingin ni Dennis ay napaka-edukada at di mahilig ito sa mga intriga at malayo sa mga issue na madalas nadadawit ang mga artista kapag may karelasyon.

Nakausap namin si Dennis sa mini-presscon para cast ng Biritera kung saan bida si Dennis.

Kahit wala pang official na relationship sina Dennis at Bianca, maraming tumitingin sa relasyon ng dalawa na sila’y may unawaan na.

Kasi walang nababalitaan ang press na may idini-date si Dennis na iba maliban kay Bianca. Ganundin si Bianca, wala rin kaming nababalitaang ibang idini-date nito pagkatapos na maugnay ang pangalan niya kay Dennis.

Ani Dennis: “Di kami madalas magkita ngayon dahil magkaiba ang schedule ng work namin. Ako sa Biritera, samantalang si Bianca, sa Broken Vow.”

000

NANG nakausap namin si Sweet Ramos sa presscon ng Biritera, nasabi niyang kahit siya’y busy sa taping ng soap, nasa top 5 pa rin siya ng kanilang school. Di niya pinababayaan ang kanyang pag-aaral. Gusto rin niyang um-attend sa regular class ng school.

Ani Sweet: “Di naman ako lumiliban sa school kapag wala akong taping. Basta, kapag di ako nag-aattend sa school, nagka-catch up naman ako sa mga assignments. Tinutulungan ako ng sister ko sa mga lessons ko. Kumukuha ako ng special exams sa school.”

“Very cooperative rin ang mga teacher ko sa Jose Rizal University. Nauunawaan nila ako bilang artista.“

First time na lumabas na contravida si Sweet sa soap opera. Tinulungan siya sa kanyang acting ng kanyang ina at may acting coach din sa set ng Biritera

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply