Dental Health Month umarangkada na

DAHIL buwan na muli ng Pebrero, umarangkada na sa Cagayan de Oro ang mga aktibidad para sa selebrasyon ng Dental Health Month.

Ayon kay Councilor Dante Pajo, dating presidente ng Philippine Dental Association CDO-Misamis Oriental Chapter na marami silang inihahandang aktibidad ukol sa kahalagahan ng pangangalaga sa ngipin, para sa buwang ito.

Ngayong araw, ay nakatakdang idaos ang kanilang interschool na mga pa-contest tulad ng poster-making, slogan at iba pa na magpapakita ng kahagalahan ng pangangalaga sa ngipin.

Sa Pebrero 4 (Sabado) naman ay isasagawa ang medical-dental mission sa Barangay Bulua kung saan magbibigay ang grupo ng mga dentista ng sampung libreng pustiso habang mahigit sa 200 naman ang magkakabenipsyo gaya ng pagkonsulta, libreng linis at iba pa na may kaugnayan sa oral health.

Maglilibot naman sa mga susunod na araw ang mga dentista sa mga paaralan upang palakasin pa ang information dissemination ukol sa kahalagahan ng oral health care.

Payo ni Pajo sa lahat, ugaliin ang regular na pagpapakonsulta sa dentista at ugaliin din ang pag-aalaga sa ngipin tulad ng pagtu-toothbrush upang maiwasan ang tooth decay at maiwasan ang tuluyang pagkasira ng ngipin.

Tips sa pangangalaga sa ngipin

1. Regular na bumisita sa inyong dentista upang masuri ang ngipin.

2. Iwasang gumamit ng tooth pick sa panininga. Masisira ang ngipin kapag tinutusok ng tooth pick.

3. Gumamit ng dental floss.

4. Kumain ng mga pagkain na masusustansiya sa calcuim.

5. Magsipilyo pagkatapos kumain. Tandaan na huwag matulog na hindi nakapgsipilyo.

6. Iwasan na pagsabayin o agad na pagsunurin ang pagkain o pag-inom ng sobrang init at sobrang lamig na pagkain. Maaari silang maging sanhi ng pagrupok ng ngipin.

7. Iwasan ang madalas na pagkain ng matatamis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply