DepEd nag-abiso na may pasok sa Pebrero 24, 27

INABISO ngayon ng Department of Education (DepEd) na may pasok ang 24 at 27 ng Pebrero.

Ito ay araw ng Biyernes at Lunes, bago at matapos ang ika-anim na anibersaryo ng Edsa People Power Revolution sa Pebrero 25.

May mga kumalat na balitang posibleng gawing holiday ang Biyernes o Lunes na mariin namang itinanggi ng ahensiya.

Ipinagdiriwang sa darating na Sabado ang anibersaryo ng makasaysayang EDSA Revolution na nagpatalsik noon sa dating Pangulong Ferdinand Marcos. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply