Depensa kay Tupas: Do your homework!

PINAYUHAN ng isang defense panel spokesperson si Iloilo Rep, Niel Tupas, lead prosecutor, na pag-aralang mabuti ang kanyang homework upang maiwasan makapagbitaw ng iresponsableng pahayag na makalalason sa kaisipan ng publiko sa paglilitis kay Chief Justice Renato Corona.

“If he (Tupas) exercised restrain and prudence, and do his homework properly, he would avoid making irresponsible statements such as the 45 properties allegedly owned by Chief Justice Corona, which in fact, it is only 24 properties,” ayon kay Defense panel spokesman Atty. Rico Quicho sa interview matapos magkaroon ng break ang impeachment court.

Sinabi ni Quicho na maaaring malason ang kaisipan ng kabataan sa mga iresponsableng pahayag ni Tupas hinggil sa pinalobong bilang ng sinasabing ari-arian ni Corona na ipinalabas sa media.

Idinagdag pa ni Quicho na kapag pinalalakas lamang ng pagbawi ni Tupas sa bilang ng ari-arian ni Corona ang kanilang pananaw na hindi handa ang prosekusyon sa impeachment complaint.

“Sa labas lamang sila  matatapang, pero sa loob ng korte, mahina sila. Epekto nito, hindi nila napatutunayan ang kanilang akusasyon kay Chief Justice Corona. Kay, natutuwa kami na inamin nila na hindi pala 45, kundi 24 lamang ang properties sa kanilang akusasyon,” giit ni Quicho.

“This is a sign of weakness on the part of the prosecution and it shows lack of condor in dealing with the matter,” dagdag pa ni Quicho.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply