Depensa: P100M sa bawat senador para ilaglag si Corona

IBINUNYAG ng kampo ni Chief Justice Renato Corona na makatatanggap ng P100 milyon ang bawat isang senador upang ibasura ang temporary restraining order (TRO) na inilabas ng Supreme Court (SC) sa pagbukas ng dollar accounts ng punong mahistrado.

“Ang pinaabot sa amin, P100 million per senator para ibasura ang TRO,” pahayag ng depensa.

Tinukoy din ng depensa sa isang press conference si Executive Sec. Paquito Ochoa Jr. Ochoa, na siyang umano ay kumukumbinsi sa mga senator-judge na sa tingin nila ay kakampi ni Corona batay sa ipinaabot na impormasyon ng kanilang source.

Ayon din sa depensa, dapat kilalanin ng Palasyo lalo na ni Pangulong Aquino ang Konstitusyon.

Sinabi rin ng depensa na kanilang ilalabas ang dollar accounts ni Corona sa takdang panahon basta’t ang mahalaga ay sundin ang tamang proseso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply