Depensa pinakakastigo sa paratang na P100M suhol

HINDI pa man nagsisimulang talakayin ang temporary restraining order ng Supreme Court sa pagbubukas ng dollar account ni Chief Justice Renato Corona, pinakakastigo kaagad ng isang senador ang depensa sa paratang na inalok sila ng Palasyo ng tig-100 milyon kapalit ng boto laban sa TRO.

Katulad ni Sen. Antonio Trillanes IV, pinabulaanan din ng ilang senador ang paratang ng depensa na inalok sila ng Palasyo ng tig-P100 milyon kapalit ng pagboto upang suwayin ang TRO na ipinalabas ng SC laban sa dollar account ni Corona.

“That’s completely not true as far as I’m concerned. Having said that,  it’s the height of irresponsibility for the Defense panel to resort to such diversionary tactics. For this, they should be dealt with accordingly, “ ayon kay Trillanes.

Sinabi pa ni Sen. Francis Pangilinan na walang katotohanan ang alegasyon ng depensa ni Corona dahil hindi umano siya maiimpluwensiyahan ng Palasyo sa pamamagitan ng pagpapalabas ng pork barrel.

“The allegation that senators will be influenced by Malacañang by way of release of PDAF is old hat. In my 11 years in the Senate, I hear that repeatedly whether for Cha-cha (Charter change) or for key pieces of legislation,” ayon kay Pangilinan.

Lumang tugtugin na aniya ito at ilang beses na inuulit ng mga sinumang nais siraan ang Senado.

Dagdag pa niya na hindi dapat maniwala ang tao sa ganitong mga haka-haka at akusasyon na wala naman ebidensiya kundi “unnamed sources.”

Inihayag din ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na walang kumokontak sa kanya mula sa Palasyo o nag-alok ng P100 milyon upang bomoto laban sa TRO sa dollar accounts ni Corona.

“I have not been contacted, much less offered. PhpP100 million or any other amount in connection with the impeachment trial,” ayon kay Santiago.

Iginiit din ni Sen. Ralph Recto na walang katotohanan ang naturang alegasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply