Depensa, prosekusyon nagkainitan sa Ampatuan case

NAGKAINITAN ang panig ng prosekusyon at depensa sa diskusyon habang dinidinig ang kaso ng mga Ampatuan kaugnay sa karumal-dumal na Maguindanao massacre sa ginanap na pagdinig sa Quezon City Regional Trial Court kaninang umaga.

Dahil dito, sinermunan ni Quezon City Regional Trial Branch 221 Judge Jocelyn Reyes ang mga abogado ng Ampatuan na sina Atty. Andres Manuel at Paris Real at private prosecutor na si  Nena Santos at sinabihang maging magalang at maging propesyunal sa kanilang pagkakaiba sa legal opinion.

Nag-init din si Judge Solis dahil sa reaksyon ng prosekusyon sa naging alegasyon ni Manuel at akusahan ang prosekusyon na inaantala ang proseso ng inihaing petisyon ukol sa piyansa ng mga Ampatuan.

Nag-ugat ang pagtatalo matapos kontrahin ng prosekusyon ang oral manifestation ni Manuel ukol sa walang kasiguruhan sa ipiprisintang dalawang testigo sa pagdinig.

Nauwi sa pagtatalo ang naging paliwanagan ng dalawa hanggang sa tumayo si Santos at akusahan si Manuel na naging pasimuno ng pag-iinit ng kanyang ulo, sinang-ayunan naman ng isa pang abogado ng depensa.

Nag-ugat ang argumento makaraang hindi mailutang ni Santos ang kanyang mga testigo na manggagaling pa ng Maguindanao patungong Quezon City.

Ayon kay Santos, nangangamba aniya ngayon ang mga kaanak ng biktima ng masaker sa kanilang buhay matapos ang pagpapakamatay ni PO2 Hernanie Decipulo, makaraang lumundag mula sa 4th floor ng piitan sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City.

Katwiran ni Santos na nahihirapan siyang makumbinsi ang complainants na dumalo sa hearing dahilan sa pagpapakamatay ni Decipulo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply