Depensa, wala pang dahilan para magsaya – Angara

PINAALALA ni prosecution spokesman at Aurora Rep. Sonny Angara sa depensa na

huwag munang magdiwang sa pag-ungos matapos paboran ng Korte Suprema at impeachment court na huwag makalkal ang dollar account ni Chief Justice Renato Corona.

Binigyang diin ni Angara na hindi pa ito ang tamang panahon para magdiwang ang depensa.

Paliwanag ni Angara na wala pang dahilan para magsaya ang kampo ni Corona dahil hindi pa naman tapos ang eksplanasyon sa impeachment case.

Hanggang ngayon ay inaabangan pa rin ng prosekusyon ang mismong paglalantad ni Corona sa kanyang dollar accounts na ipinahayag ng kanyang mga abogado sa impeachment court.

Aniya pa, mahalaga ngayon ang admissibility o pagtanggap ng Senate impeachment court sa bank records na ibinigay sa kanila ng “small lady” at ang usapin sa authenticity nito ay ipinauubaya na lamang sa impeachment court.

Naniniwala rin ang prosecution na posibleng may makita pa sa higit na P30 milyon na monthly accounts ni Corona sa PSBank  at BPI kaya nag-backout aniya si Justice Serafin Cuevas na masuri ang nasabing accounts.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply