Depositors sa Leyte rural bank inayos na ng PDIC

SINIMULAN na ng Philippine Deposit Insurance Corp. (PDIC) ang pagbabayad sa mga insurance claim ng depositors sa isinarang rural bank sa Leyte nitong nakaraang linggo.

Unang inayos ng PDIC ang mga kliyente ng Rural Bank of Calubian (Leyte) Inc. simula nitong Pebrero 15 sa Sta. Filomena St., Barangay Espinosa, Calubian, at magpapatuloy hanggang Pebrero 28.

Abiso ng PDIC sa mga depositor na magtungo lamang sa kanilang mga bangko para sa appointment dates na ngayon ay nakaposte na rin sa website ng PDIC.

Kailangan lamang dahil ang accomplished claim forms, status sheet, evidence of deposit, at original and photocopy of two valid identification cards.

Ang RB Calubian depositors ay mayroon lamang hanggang Disyembre 16, 2013 para kunin ang kanilang insurance claim.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply