Desisyon sa hirit ni GMA ipinaubaya sa korte

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Pasay Regional Trial Court ang desisyon sa hirit ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na payagan siyang makadalaw sa burol ng bayaw na si Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo.

“We will defer to the judgment of the Pasay RTC on this matter, and to the position  to be taken by the Comelec prosecution panel,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Nauna nang hiniling ng dating lider sa sala ni Pasay RTC Judge Jesus Mupa, na siya ay mapayagan na makalabas ng Veterans Memorial Medical Center at masilip ang burol ni Iggy, sa oras na maibalik na ito ng Pilipinas.

Inaasahan namang reresolbahin ng korte ang nabanggit na urgent motion bukas (Pebrero 3).

Samantala, nakatakda ring dinggin bukas ng korte ang kahilingan ng Commission on Elections na ilipat sa regular na kulungan ang dating Pangulo.

Si Ginang Arroyo ay naka-hospital arrest ngayon dahil sa kasong electoral sabotage.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply