Desisyon sa kaso ni GMA ‘wag pangunahan- obispo

IGINIIT ni Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso na hindi dapat pangunahan ng publiko ang desisyon ng hukuman sa kasong electoral sabotage na kinakaharap ngayon ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ang reaksiyon ni Medroso matapos na ipagmalaki umano ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na mahahatulang guilty si Arroyo sa ilalim ng Aquino Administration.

Ayon naman kay Medroso, chairman ng Episcopal Commission on Canon Law ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na hindi tamang magbigay kaagad ng mga kuru-kuro o haka-haka ang sinuman na mapaparusahan si Ginang Arroyo sa ilalim ng Aquino Administration.

Sinabi ng obispo, na dapat igalang ng lahat ang proseso ng paglilitis at hintayin na lamang ang desisyon ng hukuman sa kaso.

“Nilagay natin ang court diyan para sila ang mag-decide! Not us! At hindi tama na maimpluwensyahan natin ang publiko dahil hindi naman nila alam ang kabuuang proseo ng paglilitis,” aniya pa.

Nilinaw rin ng obispo na hindi dapat pangunahan at impluwensiyahan ng sinuman partikular na ng mga opisyal ng pamahalaan ang kaisipan ng publiko lalo pa’t karamihan sa mga tao ay hindi naman nakatutok sa kaso ng dating Pangulong Arroyo kundi sa kanilang pang-araw-araw na ikabubuhay.

Kahapon (Pebrero 23), naghain na ng not guilty plea si GMA sa Pasay Regional Trial Court matapos na basahan ng sakdal sa kasong electoral sabotage. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply