DFA consular office sa Cebu bukas na

HINDI na kailangan pang magpunta sa Maynila ang mga residente ng Cebu at kalapit na lalawigan upang makakuha lamang ng pasaporte sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ito ay matapos na buksan kahapon (Martes, Pebrero 28) ng DFA ang sangay ng consular office sa ikaapat na palapag ng Metro Pacific Mall sa UN Avenue, Mandaue City.

Nagkakahalaga ng P15 milyon, ang bagong tanggapa na una sa mga bubuksang satellite office ng DFA sa mga lalawigan at piling siyudad sa Metro Manila.

Paglilingkuran ng sangay ang pangangailagan sa pasaporte at iba pang pagpapatotoo sa mga dokumento ng mga taga-Central Visayas, sang-ayon pa kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario.

Tiniyak pa ni Del Rosario sa mga taga-Cebu na hindi tataas ang bayad sa pagkuha ng pasaporte at iba pang orihinal na dokumento sa kabila ng ibibigay na mabilis at tapat na paglilingkod ng mga kawani ng kagawaran.

Ayon pa sa kalihim, magiging maginhawa para sa mga Cebuano ang pagkuha ng bagong pasaporte dahil maaari silang maglibot sa nasabing shopping mall habang hinihintay inaasikaso ang kanilang aplikasyon.

Binuksan ang bagong sangay pagkatapos ng halos apat na buwang pag-uusap nina Del Rosario at Pacific Mall president Edward Gaisano upang mailipat sa shopping mall ang sangay ng kagawaran sa Cebu, kung saan makakatipid ang pamahalaan ng P40 milyon sa loob ng sampung taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply