DFA handang iuwi ang labi ni Cong. Arroyo

HANDA ang Department of Foreign Affairs (DFA) na tumulong sa pagproseso ng mga permit at papeles na kailangan para maiuwi sa Pilipinas ang labi ni Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo mula sa London.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, walang balak ang Malakanyang na makialam sa usapin lalo pa at may ongoing internal family matter ang isyung ito.

Kaugnay nito, tiniyak ni dating First Gentleman Mike Arroyo na ang anak sa unang asawa ng kapatid na si Cong. Arroyo ang mag-uuwi sa labi ng namayapang kongresista mula sa London.

Bagama’t tumangging magkomento sa sinasabing hidwaan sa pagitan ng kinikilalang legal wife ni Iggy na si Aleli Arroyo at kinakasamang si Grace Ibuna, inihayag ni Mike Arroyo na mayroon nang arrangement para sa pag-uwi sa bansa ng labi ng kapatid.

Aniya, si Bianca umano ang mag-uuwi sa labi ng kanyang ama.

Si Bianca ay anak ni Rep. Iggy sa unang asawa na si Marilyn Jacinto.

“It is Bianca who will bring her father’s body here in a day or two,” ayon sa dating unang ginoo sa isang panayam.

Nauna nang sinabi ng abogado ni Aleli na si Atty. Lorna Kapunan na “all-set” na sana ang kanilang pagkuha sa bangkay ni Rep. Arroyo pero bigla silang pinigilan ng abogado ng punerarya sa London.

Ayon kay Kapunan, ipinaliwanag ng abogado ng punerarya na may instruksyon si Grace Ibuna na ipa-cremate ang labi ni Rep. Arroyo sa London.

Wala namang nakikitang dahilan ang Malakanyang para mag-sorry sa pamilya Arroyo matapos ihirit ni Senador Panfilo Lacson na mula buksan ang kontrobersiyal na Jose Pidal issue.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply