DFA inaapura ang paglikas 164 OFW sa Syria

INAAPURA na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang paglilikas sa 164 overseas Filipino workers (OFW) na nasa lungsod ng Homs at tatlo pang lugar na matindi ang karahasan sa Syria.

Ayon kay DFA Spokesman Raul Hernandez, dati ay nasa 278 ang bilang ng mga OFW na nasa lugar na malala ang kaguluhan sa Syria ngunit bumaba na lamang ito sa 164.

Ipinabatid ni Hernandez na napauwi na kasi sa bansa ang 114 na OFW mula sa Homs City at tatlo pang lugar sa Syria.

Mahigpit aniya ang tagubilin ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa Philippine Embassy sa Damascus na epektibong ipatupad ang mandatory o forced repatriation sa mga OFW sa Syria dahil sa tumindi pang karahasan doon.

Ayon kay del Rosario, mayroong mga manggagawang Pinoy na matigas ang ulo at higit na ginusto ang pananatili sa Syria dahil sa pangambang wala silang mapapasukang trabaho. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply