DFA sarado sa Lunes

DAHIL sa paggunita sa araw ng Parañaque, pansamantalang ititigil ang operasyon ng Department of Foreign Affairs na nasasakupan ng naturang lungsod.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng DFA ang mga mag-aapply ng passport at iba pang transaksyon na sarado ang kanilang tanggapan sa Pebrero 13.

Sinabi ng Office of Consular affairs na idineklara ng lokal na pamahalaan ng Parañaque na isang special non-working ang naturang araw.

Muli namang magbubukas ang kanilang tanggapan sa Pebrero 14. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply