‘Di dapat na i-contempt ang PSBank president- Recto

HINDI dapat na i-contempt ng impeachment court ang presidente ng Philippine Savings Bank (PSBank) na si Pascual Garcia matapos na mabigo itong ipakita ang dokumento ng umano’y dollar account ni Chief Justice Renato Corona.

Ito ang sinabi ngayon si Sen. Ralph Recto.

Ipinaliwanag ni Recto na mayroong sinusunod na patakaran ang kompanya ni Garcia.

Sinabi naman ni Sen. Vicente Sotto na hayaan muna na makapagpaliwanag si Garcia kung bakit hindi nito dinala ang mga dokumento na kasama sa i-subpoena ng impeachment court.

Una rito, pinagsusumite ni Sen. Franklin Drilon ng written explanation si Garcia kung bakit hindi nito dinala ang hinihinging dokumento.

Si Garcia ay binigyan ng hanggang alas-dose ng tanghali bukas (Pebrero 9) upang isumite ang kanyang paliwanag.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply