Diether Ocampo, Kris Aquino madalas pa ring magkasama sa mga lakaran?

KUMUSTA na kaya’ng relasyon nina Kris Aquino at Diether Ocampo?

“Kanina lang, binisita ko siya sa set, eh. Kami naman, kahit hindi kami nagkikita, automatic ’yan, we’re always there to support each other,” avers Diet.

“Hindi naman nahinto ang friendship. Hindi lang kami nagkikita masyado kasi busy siya, busy ako. Ganu’n lang. The time that we were together was when we we’re doing Dalaw, after that we were doing a lot of mga charity activities, mga projects. We were in Tarlac and also in Bacoor.”

Ano ang naramdaman niya nang unang mabalitaan niyang annulled na si Kris?

“She actually sent me a message na ’yun nga, she is officially free. I’m very happy for her siyem- pre. Sabi ko nga, what I can tell you is it’s time for you to start a beautiful story, ’di ba?”

Ano ang masasabi niya sa isyung ayaw sa kanya ng mga ate ni Kris dahil masyado siyang guwapo?

“Wala, wala namang ano… I mean, we’re friends at ’yung family niya, kilala ko rin naman. We were together with some of the projects kasi ’yung pinsan niya, is in Kids Foundation, that’s why, we’re very much in touch with their family.

Nanligaw ba siya talaga kay Kris?

“Kaibigan ko pong matalik si Kris. Pero ipapaalam ko po sa inyo kung manliligaw ako,” nangingiti niyang sabi.

Wala raw siyang love life ngayon at pa-date-date lang muna. Hindi pa raw siya pinapalad na magkaroon talaga ng masasabing steady girlfriend dahil na rin daw siguro sa trabaho niya.

***

Boy Abunda humahakot ng awards

MULING humakot ng parangal ang late-night current affairs program ng ABS-CBN na The Bottomline with Boy Abunda sa ginanap na 8th USTv Students’ Choice Awards at Gandingan: The UPLB Isko’t Iska’s Broadcast Choice Awards kamakailan.

Kinilala ang Bottomline bilang Students’ Choice of Public Affairs–Talk Show Program sa USTv Awards at Best Development-Oriented Talk Show sa Gandingan.

Pinarangalan rin ang host ng programang si Boy Abunda sa Gandingan bilang Best Development-Oriented Talk Show Host.

Ang USTv Awards ay taunang parangal ng University of Sto. Tomas (UST) na kumikilala sa kagalingan ng mga programa at personalidad na nagtataguyod ng Thomasian values at mga turo ng Katoliko.

Samantala, ang Gandingan Awards naman ay ang awards program ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) na nagbibigay din ng parangal sa mga programa at personalidad na nagtataguyod naman ng mga isyu para sa kaunlaran.

Ang tatlong parangal ay dagdag patunay lamang sa kalidad at kagalingan ng nasabing programa ng Asia’s King of Talk.

Matatandaang kinilala rin ang Bottomline bilang Best Talk Show for 2011 sa prestiyosong 16th Asian TV Awards kung saan tinalo nito ang anim na palabas ng ibang bansa sa Asya kabilang ang CNN Hong Kong at New Delhi TV ng India.

Regular na napapanood ang The Bottomline with Boy Abunda tuwing Sabado ng gabi, 11:30 p.m. pagkata- pos ng Banana Split sa ABS-CBN.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply