DLSU Lady Spikers champion sa UAAP

SINELYUHAN na ng De La Salle Lady Spikers ang kampeonato matapos paluhurin ang karibal na Ateneo de Manila Lady Eagles at panatilihin ang korona sa UAAP Season 74 women’s volleyball championship kanina sa The Arena, San Juan.

Itinanghal naman na Finals MVP ang La Salle team captain na si Cha Cruz.

Nagawang makuha ng La Salle ang kampeonato nang talunin sa three quick sets, 25-16, 25-22 at 25-13 ang Ateneo.

“We were able to minimize our errors. And dahil sa last game ni Cha Cruz, ayaw kong maghiwalay kami na hindi champion,” ani DLSU head coach Ramil de Jesus.

“Super happy ako, kasi once binigay mo ‘yung heart mo into it, si God maglalagay sa ‘yo in the proper place,” ani Cruz, na nasa kanyang huling taon sa La Salle.

Matatandaan na muntik masira ang tiwala ng La Salle nang una silang talunin ng Ateneo  sa Game 1 ng Finals sa four sets para putulin ang Lady Spikers sa kanilang 14-game winning streak.

Muli namang nakabawi ang La Salle sa Game 2.

Sa Game 3, hindi na nagpaawat ang Lady Spikers at gamitin ang kanilang husay sa blocking at floor defense dahilan para hindi makaporma ang Ateneo attackers.

“Never kaming nag-doubt after that Game 1 loss.” “Wake up call sa amin ‘yun and I’m super blessed that we won the championship again,” ani Cha.

Nagkasya naman ang Ateneo sa second place.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply