DOJ kay Gatdula: Kasong kidnapping harapin

HINAMON ng Department of Justice (DOJ) si dating National Bureau of Investigation (NBI) director Magtanggol Gatdula na harapin ang pagkakadawit sa kasong kidnapping.

Ang paghahamon ng DOJ ay kaugnay sa akusasyon ng kampo ni Gatdula na ginigipit lamang ng ahensya ang Haponesang si Noriyo Ohara para idikdik siya sa kaso.

Binigyang diin ni Atty. Abraham Espejo, abogado ni Gatdula na nakatanggap siya ng impormasyon na ginigipit ng DOJ si Ohara para madiin ang kanyang kliyente sa kasong kidnapping with extortion.

Tinatakot umano si Ohara na kakasuhan ng illegal entry sa bansa kung hindi irereklamo si Gatdula.

Kaagad naman itinanggi ni Justice Secretary Leila De Lima ang paratang ng kampo ni Gatdula sabay hamon na harapin na lamang nito ang pagkakadawit sa kidnapping sa preliminary investigation.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply