Doktor ni GMA, 2 SC process server ipatatawag sa Corona trial

NAGHAIN ng tatlong magkakahiwalay na mosyon ang House Prosecution panel upang ipatawag ang doktor ni dating Pangulo, ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at dalawa pang process server ng Supreme Court upang tumestigo sa Article 7 sa impeachment case ni Chief Justice Renato Corona.

Sa mosyon, sinabi ng House panel sa pangunguna ni Iloilo Rep. NIel Tupas na mahalagang mapatawag at makatestigo si Dr. Juliet Gopez-Cervantes, M.D, na sumuri kay Arroyo mula sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City.

Kailangan din aniyang tumestigo sina Christopher S. Dollente at Eric A. Borlongan, kapwa nagsilbi ng Temporary Restraining Order na ipinalabas ng Supreme Court noong November 15, 2011 laban sa watchlist order ni Justice Leila de Lima.

Inatasan ng House panel si Cervantes na isumite ang impeachment court ang medical certificate na inisyu noong Oktubre 1, 2011 kay Arroyo na ginamit ng dating chief executive sa pagkuha ng TRO.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply