Doktor ni GMA haharap sa impeachment trial

SASALANG na ngayong hapon sa impeachment court ang personal na doctor ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapaga-Arroyo.

Inihayag ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, lead prosecutor ng Article 7 na tetestigo na si Dr. Juliet Gopez-Cervantes ng St. Lukes Medical Center upang ipaliwanag ang tunay na kalagayan ni GMA at nagkumahog itong lumabas ng bansa noong nakaraang taon.

Sinabi rin ni Colmenares na muling babalik upang tumestigo ang clerk of court ng Supreme Court na si Enriquitta Vidal at custodian ng Supreme Court gayundin si Marianito Dimaandal, records officer ng Malakanyang.

Sa isyu naman ng posibilidad ng pagtestigo ni Supreme Court Associate Justice Ma. Lourdes Sereno, inihayag ni Colmenares na patuloy na umaasa ang prosekusyon na kusa itong lulutang sa Senado sa kabila ng Feb. 14 resolution ng SC na nagbabawal sa mga mahistrado at kawani ng SC na maglabas at magsalita ukol sa confidentiality ng korte.

Samantala, igigiit din ng prosekusyon sa impeachment court na humarap ang mga opisyal ng Philippine Airlines (PAL) upang mapatibay ang alegasyon ukol sa flip-flopping sa mga desisyon ng SC.

Naghain ng manifestation sa impeachment court kung saan pinalilinaw ng prosekusyon sa Senado ang desisyon nitong huwag patestiguhin sina PAL Vice President for Sales Enrique Javier at PAL Vice president for product Loyalty Ria Carrion-Domingo.

Nakapaloob sa manifestation na nang aprubahan ng impeachment court ang pag-subpoena sa mga ito ay nangangahulugan umanong nakita ng mga senador ang halaga ng testimonya ng mga ito.

Maging ang motion to quash na inihain ng kampo ni Corona ukol sa subpinang ipinadala kina Javier at Domingo ay hindi inaksyunan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply