Dole may alok sa mga graduating HS student

HINIKAYAT ngayon ng Department of Labor and Employment (Dole) ang mga magtatapos sa high school na kumuha ng kursong may kaugnayan sa banking and finance.

Ayon kay Labor and Employment Sec. Rosalinda Baldoz, ito ay dahil in-demand at may mataas na sahod ang mga trabaho.

Ang mga nagtatrabaho sa banking and finance sector ay kumikita ng P15,000 hanggang P40,000 kada buwan.

Layon ng abiso ng Dole na mabigyan ng  diskarte ang mga estudyante sa pagpili ng mahusay at kapaki-pakinabang na career.

Kabilang sa in-demand at high-paying jobs sa banking and finance services sector ang accountant, accounting clerk, book keeper, auditor, finance analysts at risk management officers.

Sinabi pa ni Baldoz na ang ganitong uri ng trabaho ay magiging in-demand sa loob ng susunod na 5 hanggang 10 taon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply