Dollar account law aamyendahan ng Senado

NAIS ng isang senador na amyendahan ang pinagtatalunang foreign currency deposit act upang mabawasan ang kaguluhan tuwing magkakaroon ng impeachment trial na siyang nagpapagulo sa paglilitis kay Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada, dapat nang amyendahan ang 38 taong-gulang na batas upang makaagapay sa kasalukuyang panahon na ginawa noong panahon ng diktadurya ni Marcos.

“Ginagamit ang naturang batas bilang dahilan at taguan na mga sinasabing nakaw na yaman ng mga pampublikong opisyal at empleyado,” ayon kay Estrada.

Sa ilalim ng Senate Bill 3120, ipinanukala ni Estrada ang pagbabago sa apat na dekadang batas, ang Republic Act No. 6426, na isasama ang pariralang   “order of an impeachment court or any competent court on cases involving public officials charged with the violation of Republic Act 3019 or the Anti-Graft and Corrupt Practices Act” bilang exception sa confidentiality clause ng batas.

Nakatakda din sa panukalang amyenda ni Estrada na dapat makabuo ng probable cause na masasabing sangkot ang foreign currency deposit sa kadahilanan ng pagkilos sa reklamo.

Nakadeklara sa Foreign Currency Deposit System in the Philippines na lahat ng foreign currency deposit ay ikinokonsiderang absolute confidential nature maliban lamang kung may liham-pahintulot ang depositor.

“Also, the law states that in no instance shall foreign currency deposits be examined, inquired or looked into by any person or government office whether judicial, administrative or legislative, or any other entity.,” giit ni Estrada.

Inaprubahan ang batas noong Abril 1974.

Layunin ng panukala na sakupin ang lahat ng pampublikong opisyal kabilang ang opisyal na nakatala sa impeachable officer, na sangkot sa anumang pangungurakot at kriminalidad.

Sinabi pa ni Estrada na layunin pa ng panukala na balaan ang mga pribadong indibiduwal na may tangkang magtago  ng nakaw na deposito na ipapalit sa dayuhang salapi ang kinita sa illegal na aktibidad.

Inihain ang Senate Bill 3120 sa Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies para sa konsiderasyon. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply