Dollar account ni Corona makakalkal– Gringo

MALAKI ang paniniwala ni Sen. Gregorio “Gringo” Honasan na puwedeng kalkalin ng Senate  impeachment court ang dollar account ni Chief Justice Renato Corona alinsunod sa naging desisyon ng Supreme Court.

Sa panayam, sinabi ni Honasan na may nauna nang desisyon ang Korte Suprema na maaaring buksan ang dollar account ni Corona kaya’t dapat sundin ng Philippine Savings Bank (PSBank) ang kautusan ng impeachment court na ilantad ito.

“May nahanap na kaming jurisprudence na kung minsan mabigat ang dahilan, kailangan i-relax ang rules,”ayon kay Honasan.

Sinuportahan naman ni Sen. Loren Legarda ang pananaw ni Honasan sa nakuhang jurisprudence ng Senado na magiging sandigan ng impeachment court upang pabuksan ang dollar account ng punong mahistrado.

“Mayroon. Pero hindi naman ako abogado, kaya hindi ko alam yun. Sa rape case iyon,” dagdag ni Legarda.

Ayaw banggitin ni Honasan kung anong jurisprudence ang nakalap ng Senado ngunit mahigpit na tinututlan naman ng Defense panel dahil mas pinapanigan ang pinakahuling desisyon sa anumang isyung ligal.

“Kung maghahanap lamang sila ng jurisprudence, sinabi nila i-relax, kami gusto naming i-contained. But, the latest jurisprudence is more persuasive than the old one,” ayon naman kay Atty. Tranquil Salvador III.

Partikular na tinukoy ni Salvador ang kaso ng  Government Service Insurance System (GSIS) versus Court of Appeals na pinagtibay noong Hunyo 8, 2011 hinggil sa Rules sa foreign currency deposit (FCD) account.

Ngunit, ibinasura naman ni House prosecution panel spokesman Marikina Rep. Federico Quimbo ang naturang katuwiran ni Salvador dahil walang nakalagay umano sa kasong binabanggit nito na ipinagbabawal na buksan ang FCD accounts.

“Alam din namin iyon, walang binanggit sa desisyon na bawal,” ayon kay Quimbo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply