Dollar accounts ng gov’t officials pabubuksan

SA kabila ng pagbasura ng Senate impeachment court sa botong 13-10 bilang pagkilala sa kautusan ng Korte Suprema sa pagbubukas ng dollar accounts ni Chief Justice Renato Corona ay isang mambabatas na ang kumilos sa Kamara sa pagsulong ng panukalang mabuksan ang lahat ng dollar accounts ng mga public official para sa anumang kinakailangang pagsusuri.

Ayon kay Camarines Sur Rep. Salvio Fortuno, ang batas na Republic Act 6426 ay para lamang sa mga dayuhang investors at lenders.

“The amendatory Presidential Decrees (PD 1034, 1035 and 1246) to Republic Act 6426 were designed to draw deposits from foreign lenders and investors and not from government crooks and criminals,” ani Fortuno

Ang Foreign Currency Deposit Act ay nagsisilbing taguan ng mga kurap at tiwaling opisyal upang hindi sila mabuking dahil sa probisyon nitong nagbabawal na mabuksan sa kaalaman ninuman kung walang naging permiso ng depositor.

Ikinatwiran ng mambabatas ang pangangailangang amyendahan ang nasabing batas upang maiwasan ang anumang maging balakid sa pagsaliksik sa katotohanan sa sandaling nalagay sa kuwestiyonableng sitwasyon ang mga opisyal ng gobyerno na mayroong kaugnayan nito.

Nakasaad sa HB 5838 ni Fortuno na mayroong maging hurisdiksyon ang korte ang Ombudsman na suriin o tingnan ang depositong dolyar ng isang empleyado sa kanyang account kung kinakailangan.

Samantala, isa pang panukala ang isinulong ni Fortuno ang House Bill 5694 na naglalayong gawing centralize na ang pagsumite ng Statement of Assets, Liabilities and Networth sa Office of the Ombudsman na may karapatang magpalabas  nito sa publiko kung kinakailangan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply