Dollar accounts ni Corona bubusisiin na

KAKALKALIN na rin sa impeachment court ang U.S dollar accounts ni Chief Justice Renato Corona.

Ito ay matapos kumpirmahin ng prosekusyon na naghain na ito ng kahilingan sa impeachment court para ipasubpina ang Bank of the Philippine Islands (BPI) at Philippine Savings Bank (PSBank) kung saan nakadeposito diumano ang pera ni Corona maging ang kanyang mga dollar account.

Nais ng prosekusyon na ipasubpina ng impeachment court hindi lamang ang mga dokumento sa dalawang bangko kungdi maging ang mga opisyal nito.

Una rito, lumutang ang balita na diumano’y nasa $700,000 ang laman ng bawat account ni Ccorona sa mga nabanggit na bangko.

Ipinaliwanag ni Marikina Rep. Miro Quimbo, na walang magagawa ang dalawang bangko kungdi ang respetuhin ang subpina na ipadadala ng Senado at kung tumutol ito ay maaari silang ma-contempt ng impeachment court.

Ipinasubpina rin ng prosekusyon ang mga resibo ng ilang mga mamahalin at kilalang restaurants upang patunayan ang uri ng pamumuhay ng mga Corona na salungat sa Judicial Code of Conduct na siyang nilalaman ng susunod na tatalakayin, ang Article 3.

Maging ang pagpapatawag sa mga opisyal at dokumento ng Philippine Airlines (PAL) ay kabilang sa gagawing pagbusisi ng prosekusyon sa pagtanggap ng diskuwento ng mag-asawang Corona sa kanilang mga isinagawang pagbiyahe sa loob at labas ng bansa.

Nais kasi na patunayan ng prosekusyon na ang luho at pagkakamal ng ari-arian ng mga Corona ay hindi tugma sa kanilang kita na P1.5 milyon sa isang taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply