Dollar accounts ni Corona muling ipapa-subpoena

KINULIT ni Iloilo Rep. Niel Tupas si Senate President Juan Ponce Enrile, tumatayong presiding officer ng impeachment court matapos maghain ng House prosecution panel ng panibagong mosyon upang ipatawag ang dollar account ni Chief Justice Renato Corona sa Philippine Savings Bank (PSBNank).

Sa 10-pahinang Supplemental Request for Subpoena/Repyl, sinabi ni Tupas na dapat ipatawag muli si Annabelle Tiongson, branch manager ng PSBank Katipunan branch sa Quezon City upang tumestigo at isumite sa impeachment court ang mga sumusunod na dokumento:

a.       Account Opening Forms, including applications and Agreement for Deposit, Trust of other Accounts, Investment Management Agreement, and other account opening support documents
b.      Customer identification and Specimen Signature Card (s)
c.       Monthly Statement of Accounts from opening to December 31, 2011
d.      Deposit and Withdrawal Slips
e.      Debit and Credit Memos
f.        Checks
g.       Placement and/or Deposit Certificates, or other confirmation/statement of deposit and instructions relating thereto

Pinakukuha rin ni Tupas ang mga dollar account ni Corona sa mga sumusunod na deposit account numbers:  089-19100073, 089-131002826, 089-121017358, 089-121019593, 089-1_1022046, 089-121020122, 089-12102_____, 089-121021681, 089-141016305, 089-141007129, 089-141007469, 089-141008145, 089-121011957, 089-14101696_.

Gusto rin ng prosecution na dalhin ni Tiongson sa impeachment court ang lahat ng bank accounts ni Corona, asawa nitong si Cristina at mag-asawang Constantino Castillo III at Carla Castillo.

Iginiit din ni Tupas kay Enrile na kailangan ipatawag pa ng manager ng Bank of Philippine Islands upang temestigo.

Ngunit, inihayag naman ni Tiongson sa paglilitis nitong Huwebes na isinarado na ni Corona ang dalawang account na hinahabol nito sa araw nang aprubahan ang impeachment complaint laban sa punong mahistrado noong Disyembre 12, 2011 partikular   Account Nos. 089-12109593 at 089-121021681.

Hindi naman kasali ang Account No.   089121023848 na isinara rin noong Disyembre 12, 2011 sa hinahabol ni Tupas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply