Donaire binantaan na naman ni Arce

BINANTAAN na naman ni WBO bantamweight champion Jorge “Travieso” Arce (60-6-2, 46 KOs) si WBO jr. featherweight champion Nonito Donaire Jr. na humanda sa kanya dahil isusunod na niya ito kay former world champion Lorenzo “Lencho” Parra (31-4-1, 18 KOs).

Ayon kay Arce, wala na siyang ibang gustong mangyari sa hinaharap kundi ang sagupain ang ipinagmamalaki ng Pilipinas na si Donaire.

Si Arce ay nakaganti kay Parra sa matinding bakbakan nila noong 2009 kung saan nauwi sa draw ang laban.

Nagtamo si Arce ng fifth round KO sa isang non-title rematch nila kahapon sa Palenque del Fex sa Mexicali, BC, Mexico.

Gumamit si Arce ng mga atake sa katawan na nagpabagsak kay para sa round three at dalawang beses sa round four.

Kasunod nito ay tuluyang tinapos ni Arce ang laban sa round five nang hindi na mahabol ni Parra ang pagbibilang ng reperi.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply