Donaire binantaan ni Arce

WALANG kiming ipinahayag ni WBO bantamweight champion Jorge ‘Travieso’ Arce na gusto niyang makaharap sa ring si jr. featherweight champ Nonito Donaire pagkatapos ng laban nila ni Lorenzo Parra.

Sasagupain ni Arce si Parra sa February 18 sa isang non-title rematch sa Mexicali, Mexico.

Kung papalarin siya, muling aakyat si Arce sa WBO super bantamweight class para makipagtuos kay Donaire.

Ayon kay Arce, hindi impresibo ang twelve round decision win ni Donaire laban kay Wilfredo Vazquez Jr.

Bago bumaba ng bantam ay pinatulog ni Arce si Vazquez Jr. noong May 2011 dahilan upang masungkit ang WBO belt sa 122 lbs.

Sinabi ni Arce na payag na siyang makasagupa si Donaire dahil matagal na rin niya itong gusto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply