Donaire hilaw pa sa featherweight

NANINIWALA si American trainer Rick Stahaley na hilaw pa si Nonito “The Filipino Flash” Donaire para umakyat sa 126 o 130 pounds.

Ayon kay Stahaley, wala pang naipupundar na masel sa katawan si Donaire para sumabak sa matataas na dibisyon.

Aniya, kailangan ng Filipino champion na i-develop ang mga masel nito sa katawan bago umakyat sa 130 o higit pa.

Matatandaan na si Stahaley ang nagsanay kay current pound for pound king Manny Pacquiao nang manalo ng sensational 8th round knockout kay Thailander WBC flyweight champion Chatchai Sasakul noong December 1998.

Nilinaw niya na kung talagang gusto ni Donaire na mahabol ang mga naabot ni Pacquiao ay hindi ito dapat magmadali.

Sabi niya, akma kay Donaire ang kasalukuyan niyang timbang at naniniwala siyang malayo pa ang mararating nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply