Donaire muling sasabak sa ring

MULING makikipagbakbakan sa boxing ring si bagong WBO super bantamweight champion Nonito “The Filipino Flash” sa June 16.

Ito ang sinabi ng Top Rank Promotions.

Bago ito, napaulat kamakailan na si Mexican warrior Jorge Arce ang nakatakdang makasagupa ni Donaire ngunit sinabi ni Top Tank Promoter Bob Arum na hindi available si Arce sa nasabing petsa.

Si WBC champion Toshiaki Nishioka ang posibleng makakalaban ni Donaire, pero wala pa raw permanenteng petsa.

Huling nakalaban at pinataob ni Nishioka ay ang kapatid ni Juan Manuel Marquez na si Rafael Marquez, habang si matagumpay na nabingwit ni Donaire ang bakanteng WBO super bantamweight title nang daigin si former champion Wilfredo Vazquez Jr.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply