Dr. Calayan tanggap tawaging ‘gago’ dahil sa sobrang pagtitiwala sa kapwa

MAHINAHON si Dr. Manny Calayan sa pag-aming tinawag siyang ‘gago’ ng mga taong sobrang concerned sa kanya at nakipagsimpatya sa pinagdaraanan niya ngayon dulot ng isang dating business-partner nito sa USA, si Ms Adelaida “Aida” Arceo. Buong puso nitong tinatanggap ang kanyang pagkakamali at sinisisi ang sarili dahil sobra siya kung magtiwala sa kapwa. Inamin din niyang napakalaki ang kanyang natutunang leksyon sa ginawang panloloko sa kanila ni Arceo.

Kararating lang ni Dr. Manny last February 18 mula sa USA para sa kanyang regular na pagre-report sa kanyang clinic sa Los Angeles to attend his clients in waiting. Sa pagbabalik na ito ay nakatakda na niyang isambulat ang mga isyung noon pa hinahanapan ng press nang kasagutan dahil sa kanyang matagal na pananahimik.

Sa kanyang paglabas mula sa NAIA 1 ng bandang mag-aalas dose ng hapon ay agad siyang sinalubong ng mga TV crew ng iba’t ibang network at dito niya binasag ang kanyang katahimikan. Ayon sa kanya, nagsimula ang lahat nang makilala niya si Ms. Adelaida “Aida” Arceo noong 2008.

Isa si Dok Manny sa mga performer noon sa show nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa USA na ang producer ay si Arceo. Sa okasyong ito, he was personally introduced ni Ms. Vicky Pacis ng GMA Network kay Arceo.

Sa pag-uusap nina Dok Manny at Arceo ay hinimok ng huli ang celebrity-surgeon na magtayo ng klinika sa Los Angeles, California kung saan siya ay isang residente. Nagandahan sa nasabing ideya si Dok Manny na nauwi sa pagsang-ayon sa nasabing proposal. Pero walang alam ang celebrity surgeon na ito na pala ang simula ng kanyang sakit ng ulo at damdamin na hahantong sa ligal na aksiyon.

Ayon sa mga amended complaint ng mga Calayan, pinabulaanan ni Dok Manny sa pagsisimula ng kanilang negosyo sa Hollywood na may share at perang contribution si Arceo sa Calayan Corporation USA.

“Nagbenta siya ng mga produktong Calayan nang hindi namin alam at ang ibang produkto ay hindi Calayan pero sinabi niya sa mga kliyente na galing ang mga iyon sa amin. Tumawag siya sa aming bank manager at nagkunwaring siya si Dra. Pie at sinubukang kunin ang mga detalye ng aming bank account dahil alam niya ang mga importanteng impormasyon tungkol sa amin.”

“Dinala niya sa ibang doktor ang aming mga kliyente, nagkunwari pang binenta ang aming klinika. Nanghiram siya sa amin ng pera. Siningil niya kami nang walang mga opisyal na invoice at resibo. Lagi niyang hinihingan si Dra. Pie ng tsekeng bayad na nakapa-ngalan sa kanya,” pagbubunyag ni Dok Manny.

Naikuwento pa rin nito ang pagpapatayo umano ng pamilya ni Arceo ng isang medical supply shop sa USA na tinawag ni Doc Manny na “peke.” Ginamit umano nito ang tindahang ito upang singilin ang mga Calayan para sa medical supplies na hindi naman napunta sa kanila.

Sa ngayon ay nakapagsampa ng kaso ang mag-asawang Calayan sa mga korte sa California noong nakara- ang taon pero hanggang ngayon ay dinidinig pa rin ito dahil marunong si Arceo ng delaying tactics.  Ito ang madalas pagpapalit ng mga abugado. Sinampahan siya ng kasong sibil, identity theft at fraud.

Alam ng mga Calayan na hindi na maibalik ang lahat ng nawala sa kanila dahil sa kagagawan ni Arceo. Ang gusto lang nilang mangyari ay maging ‘eye-opener’ sa lahat ang  kanilang pinagdaanan na may kinalaman sa sobrang pagtitiwala sa kapwa hindi lamang sa America kundi sa lahat ng parte ng mundo na nagkalat ang mga manloloko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply