Dr. Cervantes ng St. Luke’s isinalang sa witness stand

ISINALANG ngayon sa witness stand ang personal na doktor ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapgal Arroyo na si Dr. Juliet Gopez-Cervantes ng St. Lukes Medical Center.

Si Cervantes ang magpapaliwanag sa kalagayan ni Ginang Arroyo kung bakit ito nagmadali noong isang taon makalabas ng bansa upang makapagpagamot.

Sa kanyang pagsalang, isinumite ni Dr. Cervantes ang medical certificate ng dating Pangulo.

Sinabi rin ng doktor na kay dating Pangulong Arroyo ang orihinal na medical certificate nito.

Agad na pinamarkahan ng prosekusyon ang nasabing medical certificate at binasa ang nilalaman nito.

Idinetalye rin ng doktor kung kailan na-admit at inilabas ng St. Luke’s si Gng. Arroyo.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply