Drag racers sa bansa lilipulin ng MMDA

UPANG tuluyang masugpo ang nagaganap na drag racing ng mga kabataan mula sa angkan ng mayayamang pamilya, magtatalaga ng karagdagang tauhan si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa kahabaan ng Diosdado Macapagal Avenue.

Bukod sa karagdagang tauhan, inatasan din ni Tolentino si Atty. Emerson Carlos, assistant general manager for operation na magdagdag din ng mobile patrol na magroronda sa kahabaan ng naturang lansangan upang tuluyang masawata ang nagaganap na drag racing.

Nagpasya si Tolentino na palakasin ang puwersa ng ahensiya sa naturang lugar makaraang kuyugin ng mga kabataang sangkot sa pagkakarera ng motorsiklo ang apat na traffic enforcers na nagresulta sa pagkaa-ospital ng biktimang si Raul Reuteres.

Sa natanggap na report ng MMDA, nagpa-plano na ng drag racing sa kahabaan ng Diosdado Macapagal Avenue ang mga nakamotorsiklo nang lapitan upang sitahin ng mga tauhan ng MMDA, alas-2 ng madaling-araw.

Bigla umanong sumibat ang isang nakamotorsiko nang walang suot na helmet kaya hinabol ito nina Reuteres ng sakay ng mobile patrol hanggang sa masagi ang sumemplang ang lalaki.

Dito na umano sumugod ang mga kasamahan ng nakamotorsiklong lalaki at kinuyog ang traffic enforcers hanggang sa paluin ng matigas na bagay sa ulo si Reuteres na nawalan kaagad ng ulirat.

Nagsitakas naman ang kalalakihan nang mawalan na ng malay si Reuteres kaya kaagad siyang isinugod sa San Juan De Dios Hospital ng mga kasamahan.

Inaalam naman ni Tolentino kung may close circuit television (CCTV) camera sa naturang lugar upang matukoy ang motorcycle riders na kumuyog sa kanilang traffic enforcers.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply