Dry run ng Edsa motorcycle lane, tagumpay

PAPATAPOS na ang isang linggong dry run ng motorcycle lane sa EDSA at magandang ulat ang hatid nito dahil ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA) ay patuloy na bumababa ang bilang ng mga lumalabag sa nasabing lane.

Ayon kay MMDA traffic discipline unit head Yves Gonzalez, nakahuli sila ng 624 lumabag noong Huwebes (Pebrero 16) na ikatlong araw ng dry run.

Sa unang araw noong Martes (Pebrero 14), 1,403 mga lumabag ang pinahinto at pinag-seminar sa 15 minutong motorcycle safety seminar.  Subalit ang bilang ay bumaba noong Miyerkules (Pebrero 15) sa 855  kung saan ang mga lumabag ay bumilang sa 2,258 sa kabuuan sa loob ng dalawang araw.

Simula Lunes (Pebrero 20), mahigpit nang ipatutupad ng MMDA ang motorcycle lane sa EDSA at ipatutupad na rin ang mga multa sa mga lalabag. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply