Dumami ang mga korap makaraan ang EDSA 1

MANINIWALA ba kayong dumami ang mga korap makaraan ang EDSA 1?

Tingnan natin ang kasaysayan.

Sa ilalim ng 1935 Constitution, may 24 na senador at may 120 na kongressman o kinatawan sa Kamara.

Sa ilalim ng 1973 Constitution, ginawang unicameral at tinawag na Batasang Pambansa ang Kongreso at may 200 mambabatas noon.

Nitong 1987 Constitution, nanatili ang 24 na bilang ng mga senador at naging 250 ang bilang ng mga kongresman, kasama na ang mga partylist congressman.

oOo

O di ba dumami ang korap na mambabatas?

Weder dey like it or nat, masasabi nating korap ang nakararami dahil yang pork barrel ang pinagkakaguluhan ng mga mambabatas na ‘to.

Kung walang pork barrel, tiyak na walang kakandidatong kongresman o senador.

Pustahan pa tayo.

Diyan sa pork barrel, may 20 hanggang 100 porsiyento na komisyon ang mga ito.

Yang kumukuha ng 20 a mahiyain pa.

Pero ang mga garapal, gusto ang 100% sa pamamagitan ng mga multong proyekto.

oOo

Para makumpleto ang piktyur, Suki, dinagdagan mismo ng gobyerno ang bilang ng mga korap sa pamamagitan ng batas sa local government.

Yang Internal Revenue Allotment na may P273 bilyon ngayong ang pinagkakaguluhan ng mga kapitan ng barangay, mayor at gobernador.

Ang daming milagrosong kuwento ukol sa IRA at hindi si Juan ang nabubusog kundi ang mga lokal na pamahalaan.

Por eksampol, ang daming proyekto ang tsinatsaptsap para ‘di na dumaan sa pasubasta ang mga ito.

Dito natuto ang Bilibid boys ng pagtsaptsap ng mga proyekto para sila kumita.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply