Dumukot sa 2 European sa Tawi-Tawi kilala na

KINUMPIRMA ng pulisya at militar na isa sa sentro ng imbestigasyon at pagtutugis kaugnay ng pagdukot sa dalawang dayuhan sa Tawi-Tawi ay ang grupo ni As-Man Sawa-haan, na mula sa bandidong grupo na Abu Sayyaf.

Ayon kay Colonel Arnulfo Marcelo Burgos spokesman ng Armed Forces of the Philippines (AFP), nagkaroon ng security adjustment at deployment ng Naval task group sa Tawi-Tawi at maging sa Sulu.

Ito’y matapos ang pagdukot kahapon (Pebrero 1) kina Elwold Horn, isang Dutch national at Lorenzo Vinci-guerra, isang Swiss national.

Binabantayan daw ang Tawi-Tawi para sa iba’t ibang posibleng exit points ng limang armadong lalaking tumangay sa dalawang biktima.

Nilinaw ni Burgos na isolated case lamang ang naganap na pagdukot sa dalawang banyaga.

Bagamat mataas daw ang level threat sa Tawi-Tawi, ay nabibigyan naman umano ng mga sundalo at pulis ng sapat na seguridad ang buong probinsya.

Magugunitang ang grupo ni As-man Sawa-haan ang itinurong nasa likod nang pangingidnap at pagpatay kay Fr. Reynaldo Roda noong 2007 sa probinsya ng Tawi-Tawi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply