Dyowa inahas, 14-anyos kinatay sa eskwelahan

UTAS ang 14-anyos na mag-aaral nang patayin sa saksak sa loob ng Marcelo H. Del Pilar National High School (MHDPNHS) sa Malolos, Bulacan.

Kinilala ang biktima na si Jericho Fuellas, 3rd year HS student, ng Brgy. Longos, Malolos, habang nadakip naman agad ang 17-anyos na suspek sa krimen.

Sa imbestigasyon, naganap ang kaguluhan kaninang 4:00 p.m. sa Building B, Room 228 ng MHDPNHS.

Nasa Room 228 ang biktima at mga kaklase nito habang hinihintay ang kanilang guro nang dumating ang suspek at ilang kasamahan at walang sabi-sabing pinagsasaksak nito si Fuellas.

Hinala naman ng pulisya na selos ang dahilan ng krimen nang malamang nililigawan ng biktima ang nobya ng salarin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply