Dyuts na notes ng aktor paboritong sagpangin ng boss

TOTOO ang sabi-sabi na ang lahat ay hindi nadadaan sa laki. Kahit maliit daw ay nakapupuwing din. Kaya nga kahit dyuts ang aktor na maputi at makinis ang balat sya pa rin ang paboritong sagpangin ni boss. Kahit pa ang daming julakis na nakapalibot kay bossing at malalaki pa at mahahaba ang kanilang armas, ang una pa rin ang mini-maintain nito.

Sa Cebu raw tagtatagpo ang dalawa para malayo sa mga mata ng mga tsismosa. Pero hindi naman nakaligtas sa malakas na pang-amoy ng girlfriend ng aktor ang kanyang extra-curricular activities kaya nauwi sa wala ang relasyon nila.

Sobrang naaasar daw ang gwapong aktor kapag tinutukso ito ng kanyang gf sa mga bading lalo na kapag may bago itong sasakyan. Eh, hindi naman nito maipaliwanag kung saan nanggagaling ang perang ipinambili nito ng caru. Para na nga raw may car showroom ang bahay nito sa sobrang daming mga nakaparadang mamahaling tsekot.

‘Yun na!

***

Fans nag-react sa Grabeng totnakan nina Angel at John Lloyd

Hindi pa namin napapanood ang advance screening ng pelikulang “Unofficially Yours” pero ayon sa direktor na si Cathy Molina sandamakmak daw ang sex-scenes sa Valentines day offering na ‘to ng Star Cinema. Talbog daw nito ang mga eksena nina Angel Locsin at Aga Muhlach sa blockbuster hit na All My Life. Mas matindi raw ang totnakan nina Angel at John Lloyd Cruz sa movie na ‘to.

Nagulat din kami nitong mga nakaraang araw dahil sa dami ng violent reactions na natatanggap namin mula sa mga tagahanga ng magaling na aktres. Anila, baka raw ma-tag as bold star ang kanilang idolo after this movie. Bakit daw kailangan pang maghubad at makipag-romansahan sa katsang telon ang kanilang idol gayong magaling naman itong umarte.

Well, depende ‘yun sa estorya, pagtrato ng director at sa movie outfit. Hindi naman barubal ang Star Cinema. Kapag gumagawa sila ng pelikula pang-world class talaga. Kaya nga sila naging numero unong kompanya dahil sa paggawa ng mga de-kalidad na palabas.

Kaya ‘yung mga umiidolo kay Ms. Locsin, relax at manood na lamang kayo ng pelikula niya. Eh, si John Lloyd naman ang leading man niya rito, so, ano ba ang ikinatatakot n’yo?

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maaari n’yo rin kaming silipin sa aming facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply