E-jeep maniningil na ng pasahe sa Marso 1

HABANG ang militant at transport groups ay abala sa pagkakasa ng protesta laban sa pagsirit sa presyo ng petrolyo, mapapalawak naman ng mga electric jeepney operators ang kanilang operasyon matapos bigyan ng prangkisa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ang 20 e-jeepney na bumebiyahe sa Salcedo at Legazpi Villages sa Makati ay hindi pa naniningil sa kanilang pasahero.

Pero simula sa Marso 1 ay mangongolekta na sila ng minimum na P8 na aprubado na ng LTFRB.

Pero ayon kay Yuri Sarmiento, CEO ng E-Jeepney Transport Corp., maaari pa itong maibaba sa P7.00.

Sa pag-aaral, sinabi ni Sarmiento na ang paggamit ng isang electric jeep ay gagastos lamang ng P1.60 per kilometer, habang ang isang diesel-run jeep ay makakakonsumo ng P5 hanggang P6 halaga ng gasolina bawat kilometro ng biyahe.

Ang e-jeepney ay kinakailangang ma-charge sa loob ng anim hanggang 8 oras para makapagbiyahe ng hanggang 100 kilometro. Hindi ito nagbubuga ng usok na tulad ng karamihang pampulibkong sasakyan.

Dahil dito, hinikayat ni Sarmiento ang mga negosyante na mag-invest sa e-jeepney para makatipid sa fuel costs at makatulong na rin sa pagkonserba ng kapaligiran.

Ang isang 14-seater unit ay nagkakahalaga lamang ng P700,000 o mas mababa pa rito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply