Eagles pinana ng Archers

NAGPALUAN ng palaso ang La Salle Green Archers sa pagpapabagsak sa Ateneo Blue Eagles sa charity reunion game sa Smart Araneta Coliseum noong Linggo ng gabi sa score na 117-104.

Nakabawi ang Green Archers laban sa Blue Eagles na dinomina ng Loyola Basketball team sa UAAP sa huling apat na taon.

Si Don Allado na pinakamatanda sa edad na 32 ang nagpahirap sa Ateneo Blue Eagles sa kanyang 23 points kaya’t tinanghal siyang best player of the game.

Ginamit ng Taft Avenue dribblers ang bilis laban sa matatangkad na Blue Eagles na iniwanan nila ng 24 puntos sa first half na naging ganti nila sa pagkatalo noong 2005 sa score na 85-88.

Sa laro noong 2008, nagtabla ang dalawang koponan sa 90-all kung kaya’t sinikap nilang manalo sa laro kamakalawa para mapantayan at makaganti sa Katipunan-based players na pinangunahan nina LA Tenorio, Rico Villanueva, Japeth Aguilar, Larry Fonacier at JC Intal.

Nagpakita ng lakas ang Archers sa pagkuha ng opening quarter sa score na 34-30 bago gumanti ang Eagles at tumabla sa score na 38 all.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply