Ebidensya vs Abalos malakas – Comelec

MALAKAS umano ang mga ebidensiya na magdidiin sa kasong electoral sabotage laban kay dating Commission on Elections (Comelec) chairman Benjamin Abalos Sr. kaya’t kumpiyansa ang poll body na mananatili ito nang matagal sa piitan.

Ang pahayag ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. ay kasunod ng petition for bail na inihain ni Abalos sa Pasay City Regional Trial Court (RTC).

“Oo naman. He will be there for quite sometime. The evidence is strong, in fact, very strong,” ayon kay Brillantes, na nagtungo kamakailan sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) upang makipagpulong sa mga miyembro ng joint DOJ-Comelec poll fraud committee.

Naniniwala rin si Brillantes na ang tanging pamamaraan lamang upang makalabas ng bilangguan si Abalos ay kung mapapawalang-sala ito sa kasong kinakaharap.

Gayunman, tiyak aniyang matatagalan pa ito dahil dinidinig pa lamang sa hukuman ang kaso.

Sina Abalos at dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay ipinaaresto ng Pasay RTC matapos na akusahan nang pananabotahe sa halalan noong 2007 senatorial elections. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply