Ebidensya vs Rep. Pangandaman tinanggap na ng HRET

TINANGGAP na ng House of Representantives Electoral Tribunal (HRET) ang mga ebidensya na inilatag ukol sa pandaraya ni Lanao del Sur Rep. Mohammed Hussein P. Pangandaman upang manalo sa nagdaang eleksyon.

Ang nasabing mga ebidensya ay inihain ni Atty. Salic Dumarpa kasabay ng kanyang pahayag na ang resolusyon ng HRET na kanyang tinanggap noong February 6, 2012 ay katumbas na rin ng kanyang tagumpay laban kay Pangandaman, anak ni dating Agrarian Reform Secretary Nasser Pangandaman.

Iginiit ni Dumarpa na umabot sa 11,000 boto ang lamang niya kay Pangandaman ngunit nakapagtataka aniyang matapos ang bilangan noong June 3 at November 13 ay si Pangandaman ang lumamang.

Nakapaloob sa Resolution 12-021 na may petsang February 2, 2012, ay ibinasura ng HRET ang apela ni Pangandaman na huwag nang tanggapin ng tribunal ang mga ebidensya ni Dumarpa.

“Without necessarily giving weight to the pieces of evidence offered by the protestant, the Tribunal finds no reason to exclude any of the evidence, taking into account their probative value, materiality and competency,” batay sa resolusyon ng HRET.

Kabilang sa mga ebidensya ang video footages ng barangay officials na umaktong BEIs gayundin ang pagbubura sa ilang boto, larawan na nagpapakitang tumulong sa loob ng presinto ang mga alyado ni Pangandaman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply